Sitemap
1 min readSep 15, 2026

--

Goda

maupo ka

yours truly

I do not have any reasons left to stay in the present.

Nais ko nang tumungo sa magandang kinabukasan na naka-plano na sa isipan ko.

Kaya naman ang tanong ni Bruno Mars na, "Can I just stay here, spend the rest of my days here?" Hindi ako nakare-relate riyan.

Ang lahat ng nararanasan ko sa pagkakataong ito, ay siyang rason kung bakit gusto ko nang mag-time travel.

Ngunit mayroon lamang na isang pero.

Get Era’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

At ikaw yung pero na 'yon.

Kung makare-relate man ako sa can I just stay here na 'yan, ay dahil iyon sa’yo.

Ikaw na lamang ang natitirang rason kung bakit gusto ko pang manatili sa yugto ng buhay kong ito.

Kahit na ang ibig sabihin ng pagbilis ng oras ay ang kinabukasang magiging masaya ako, hihilingin ko pa rin na ito ay bumagal.

Sapagkat mayroon pang ikaw sa kasalukuyan.

And the future I will have

might not contain you.

Maupo ka, kung maaari, sa harapan ko, at tititigan lamang kita hanggang sa unti-unti akong lamunin ng sahig na kinauupan ko.

Kung maaari, kaso, may rason man o wala, bawal tayong mamili kung kailan at saan lamang natin gustong manatili.

--

--