Sitemap
E.

E.

2 min read1 day ago

--

“Huwag nalang kayong kumain!”

from pinterest: https://pin.it/1xQdLQPhu

“Huwag na lang kayong kumain!” sambit ng aking ina. Nakakabanas pakinggan, 'di ba? Ngunit, ito ang halos araw-araw kong naririnig simula nung panahong wala pa akong alam sa mga bagay-bagay.

Get E.’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

“Huwag na lang kayong kumain, tutal, hindi n’yo naman nauubos!” wika niya, galit na galit, nangingiwi ang kaniyang mga labi habang hawak ang kalderong kalahati pa rin ang laman. Kita ko ang lungkot at pagkadismaya sa kaniyang mga mata habang sinasambit ang mga salitang iyon.
Paano ko ba ito sasabihin? Kahit gustuhin ko mang kumain, there will always be an echo of what she instilled in me when I was a kid.
“Huwag kang kakain nang marami, baka tumaba ka. Mahirap na.”
“Alam mo, mas magandang maging mapayat, kaya huwag kang magpapataba.”
Ang hirap, 'no? Kapag nakondisyon na ang utak at katawan mo sa isang bagay, it’s hard to break away from it. Sabi nga, “Old habits die hard.” Because of that, I developed an unhealthy relationship with food and until now I still can’t unbind myself from the chains of yesterday.

Hindi ko maiwasang madismaya sa sarili ko tuwing nakikita ko si Mama na may bahid ng lungkot at pagkadismaya sa tuwing kakaunti lamang ang nababawas sa mga putahe na ilang oras niyang pinaghirapang ihanda.

Pero ang ironic lang, kasi ngayon, nakikita na niya ang epekto ng mga sinabi niya sa aming magkakapatid. Kahit hindi man ito maganda.
So, parents, be mindful of what you say to your children. Dadalhin nila ang mga salitang iyon hanggang sa kanilang pagtanda, kahit sinabi n’yo lamang ang mga ito in a passing moment. At the end of the day, let children be children without having expectations to what they need to be.

--

--