Sitemap

enchanted

7 min readSep 4, 2026

--

a minwon filo one-shot au

fluff ; organic encounter ; architecture student x accountancy student ; university life

Press enter or click to view image in full size

This night is sparkling, don’t you let it go

I’m wonderstruck, blushing all the way home

I’ll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you

Elevator. Isang lugar ng panandalian.

Sa ilang minuto lamang, makakarating ka na sa iyong destinasyon.

Kaya sinong mag-aakala na dito magsisimula ang isang kwento ng pag-ibig.

West is currently a 2nd year accountancy student. Bilang isang estudyante, ang buhay niya ay umiikot lang sa lessons, exams, lessons, exams, lessons, exams. Gets niyo na ‘yon.

Dala-dala ang binili niyang Jollibee, pumunta na si West sa condo niya. Kakatapos lang ng major exam nila sa accounting. As usual, sobrang nabobo siya. Gusto na niyang maiyak habang sumasagot. Hindi na nakakapagtaka na mukhang pagod talaga siya today. Mukha na siyang haggard.

Pagdating sa condo building nakita niya na may iilan na naghihintay ng elevator. Pumila na rin siya at nag-overthink habang naghihintay. Napansin niyang may tatlo siyang makakasabay, mga estudyante rin kagaya niya, isang lalaki at dalawang babae.

Nang dumating na ang elevator sa ground floor, agad siyang pumasok. Ang unit niya ay nasa 20th floor, ang pinakahuling lebel ng building. Alam niyang siya ang pinakahuling bababa kaya napasandal na lamang siya sa pader ng elevator habang naghihintay.

Unang huminto ang elevator sa 14th floor. Bumaba na ang dalawang babaeng estudyante.

Ang nasa isip ni West ngayon ay napakalayo ng 20th floor. Antok na antok na talaga siya.

“Mahirap ba ang math?”

Biglang tanong ng lalaking kasama niya sa elevator.

Lumingon si West sa lalaki at natulala sa tanong nito. Nadrain ata masyado ang utak niya sa exam kaya hindi niya itonaproseso kaagad.

“Ha? Math?”

Sagot ni West pabalik.

Late na niya narealize kung bakit ganoon ang tanong sa kanya. Madalas kasing i-associate ang kurso niya sa math. Ang hindi alam ng lahat ay hindi iyon ganoon kasimple.

“Ah, hindi kasi siya basta math eh.”

“More on analysis ba?”

“Oo ganoon.”

Bigla naman huminto ang elevator, hudyat na nasa 18th floor na sila.

“Anong year mo na?”

Tanong ng lalaking estudyante kay West habang palabas na ito ng elevator.

“2nd year na.”

“Ah, okay. Marco nga pala, 2nd year architecture.”

Sasagot na sana si West nang akmang sasara na ang elevator. Agad niya pinindot ang button upang bumukas ito ulit.

“I’m West.”

Saad niya habang nakangiti.

“Nice to meet you, West.”

Ngumiti rin ang binata sa kanya.

“Nice to meet you rin.”

Nilahad naman ni Marco ang kanyang kamao upang makipagfist bump na ginaya rin naman ni West.

Pinindot na ni West ang button upang sumara na ang elevator. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Enchanted. So enchanted.

Nang makarating sa 20th floor, nagmadaling lumakad si West papunta sa kanyang unit. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng organic encounter.

Sa halos two years na nakatira si West sa condo building niya, ngayon lang nangyari sa kanya iyon. Sanay kasi siya na walang pansinan sa elevator. Dahil malapit sa university, maraming nakatirang estudyante sa building na ito. Pare-parehas silang nagmamadali at busy sa buhay para makipag-usap sa elevator.

For the first time in his life, gusto niyang gamitin ang non-existent social skills niya. The small talk was way too small at masyado siyang pagod para makipag-usap nang maayos. Gusto pa ni West makausap si Marco.

Kaso paano? Sa laki ng condo building at ng university nila, paano niya mahahanap ang isang 2nd year architecture student?

Oh. Freedom wall.

West thinks it’s insane, pero wala namang mawawala kung magpost siya anonymously.

Before he knew it, nagsubmit na siya ng freedom wall post.

#UNIVFREEDOMWALL20710

Get sammyworks17’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Hi Marco, the 2nd year arki student na bigla akong kinausaap kanina sa elevator. Nagulat talaga ako sa tanong mo na kung mahirap ba math. Sorry kagagaling ko lang sa exam, lutang pa ko okay! Sana matuloy pa yung convo natin kaso di ko alam paano kita mahahanap. Regardless, nice meeting you pa rin! Thanks for the small talk:))) *fist bump*

- 2nd year accountancy student

Now, West could only wait for destiny to do its thing, hopefully.

Kinabukasan, nagising si West ng 5am at usual. Salamat na lang sa kung sino man nagbigay sa kanya ng 7am class, hays. Tamad pa siyang kumilis at mag-ayos, kaya nagdoomscroll lang muna siya sa freedom wall.

Nakita niya yung entry niya. Medyo maraming comments. Mga kinikilig sa interaction daw nila.

Lilipat na sana niya sa ibang post dahil mukhang wala namang matinong comment sa post niya, kaso may nakita siyang comment ng isang user.

Marco Kim. Hi, cutie! Are you still interested in continuing that convo?

Oh my gosh. It’s him! Si Marco!

West can’t believe that his freedom wall plan worked. So, sinagad na niya yung courage niya. Nagreply siya kay Marco.

West Jeon. Sure mr. arki student:)

After that, nagchat sa kanya si Marco. Naging part na ng routine ni West ang pakikipag-usap kay Marco every time na may study break siya.

Kung ano-ano lang pinag-uusapan nila. They talk about each other’s courses, their interests, their hobbies, anything under the sun.

At hindi doon natapos. Isang araw, bigla na lang sila nagkayayaan na magstudy date. West, who has always preferred to study alone, is now studying with Marco most of the time. Hindi naman siya nagsisi dahil hindi siya ginugulo nito kapag nag-aaral. Pareho silang focused sa kung ano mang pinag-aaralan nila.

And West liked that about him the most. Obvious naman kung gaano pinahahalagahan ni Marco ang pag-aaral at kinabukasan niya. Nakaka-inlove.

Minsan, kapag hindi sila busy, they go on dates. Kumakain sila sa labas, madalas sa cafe, o kaya nanonood ng sine.

For months, they kept each other company. Alam nila kung anong nararamdaman nang isa-isa. Pero napagkasunduan nila na huwag madaliin ang bagay bagay.

Over the course of two months, they spent quality time with each other. They expressed their feelings through their actions. Sometimes, compliments of affection have even slipped.

Pero gaano man ka-inspired si West, hindi dumali ang course niya. Puno pa rin ng lessons, exams, lessons, exams. Pero buti na lang patapos na ang semester.

Katatapos lang ng final exam nila, finally! Pero sobrang nahirapan siya. Mukha na siyang haggard at lutang. Susunduin pa naman din siya ni Marco ngayon. Bahala na. Para namang hindi pa niya nakita ang haggard look ni West.

At gaya nang inaasahan, naghihintay si Marco sa labas ng building niya. Agad niya itong pinuntuhan at sabay na sila naglakad pauwi.

Pagdating nila ng condo building, wala pang available na elevator. Well, yung isang elevator mukhang sira at may nag-aayos. Hays, pagod na pagod pa naman din si West, gusto na niyang magpahinga.

“Mga sir, okay na po itong elevator. Pwede na po kayo rito.”

Ay wow. Buti na lang.

Nauna si West pumasok. At hindi niya aakalain ang sasalubong sa kanya.

Parang valentines day sa loob ng elevator. May konting balloons, at may banner na nakapaskil.

Will you be my boyfriend?

Uh, bakit may ganito sa elevator? Napaisip tuloy si West kung pwede ba siyang pumasok.

“Uh kuya, pwede po ba-”

Tumalikod si West upang kausapin sana yung staff kanina kaso pagkatalikod niya, nakita niya si Marco na may hawak na bouquet.

Purple tulips. His favorite.

“West, sa araw-araw na magkausap at magkasama tayo, unti-unti akong nahuhulog sayo. Naaalala ko nung una kitang nakita on this very same elevator, napakacute mo. Oo, kita ko pagod sa mga mata mo at yung pout sa mga labi mo, at ‘yun ang pinakacute na nakita ko sa buong buhay ko.”

Unti-unting namula si West sa mga sinasabi ni Marco.

“West, we took things slow, and I’m so grateful for that kasi nakilala ko kung sino ka talaga. But now, I think that this is the right time. Sobra-sobra na ang nararamdaman ko para sayo, at gusto ko nang ibuhos ‘yon nang buong buo. Kung sa tingin mo handa ka na, pwede na ba akong maging boyfriend mo?”

Inabot ni Marco ang bouquet.

Kinuha ni West ang bulaklak at tinignan ito.

Purple tulips. It means deep admiration.

“Marco, simula pa lang ng unang conversation natin sa elevator na ito, alam ko nang masaya kang kausap. At pinatuyan mo iyon this past two months. Never ko nakita na bored ka kahit na alam kong mahirap maintindihan ang mga sinasabi ko about sa course ko. Ang saya pala magkaroon ng isang tao na willing makinig at samahan ka sa hirap ng college life. Thank you kasi nandiyan ka para sa akin.”

“Oo, payag ako. Boyfriend na kita.”

Pareho nilang hindi mapigilan ang mga ngiti nila.

Nilahad ni West ang kanyang palad. Agad naman itong kinuha ni Marco at pumasok na rin sa elevator.

Sinong mag-aakala na nagsimula ang lahat ng ito sa isang elevator.

Dahil sa elevator, hindi na nila kailangan harapin ang buhay nang mag-isa.

Ang elevator na isang lugar ng panandalian ay maaari palang magdulot ng sayang pang-habang buhay.

#UNIVFREEDOMWALL22017

Hi Marco, the 2nd year arki student na niyaya akong maging boyfriend niya sa elevator. Thank you for being my companion and my source of happiness. Nakaka-haggard sa course na pinili ko, pero salamat dahil cute pala ako sa paningin mo. Sana hindi ka magsawa sa mga convo natin. To more study dates with you:))) *fist bump*

- 2nd year accountancy student na may jowang arki student <3

Marco Kim. Thank you for saying yes, my study buddy for life:)

The End.

--

--

sammyworks17
sammyworks17

Written by sammyworks17

0 followers

Hello! I am an aspiring writer who uses deep-thinking skills as I write about life experiences and realizations, and creativity as I write fiction stories.