Sitemap

You will never get healed, You’ll have to live with it.

4 min readOct 16, 2026

--

Press enter or click to view image in full size

Naamoy ko pa din ang kape ni Papa. Naririnig ko pa rin ang mga “ i love you “ ni Mama. :(

Ako nga pala si Mia 32 years old. At ito ang aking kwento.

Naaalala ko pa, isang umaga habang nasa likod bahay ako at naglalaba. Biglang may uneasy akong nararamdaman. Habang nag lalaba ako at patuloy ang agos ng tubig mula sa gripo ay sumagid sa isip ko ang “ San ko ba nalagay phone ko? What if may emergency call ako ngayon?”. Kaya naman binilisan ko ang aking ginagawa at pumasok ako ng bahay para hanapin ang cellphone ko. Nasa kwarto, nasa kama ko ang cellphone ko. Binuksan ko ito at ang daming messages sa messenger ko at mga tawag. At dito nag simula ang aking unang heartbreak na kailanman ay di hihilom.

APRIL 17, 2026

Bumungad ang senend ng kapatid kong si Mika, isang larawan ng matandang babae na nakahiga, maitim pa ang buhok at suot nito at itim din.

Mia : Si Mama yan?

Mika : Si Mama.

Mia : Patay na?

Mika : Patay na.

Napaka dry ng aming palitan ng messages na para bang ang tatapang ayaw ipakita ang mga emosyon. Isang taon lang ang tanda ko kay Mika kaya naman hindi uso sa amin ang mag comfort sa isa’t isa. Kailangan matatag kami pareho. Yun siguro ang paniniwala namin sa mga oras na iyon.

Nag ri-ring ang aking messenger tumatawag ang aking Tita Aya. Alam ko na ito. Ito na ba ang confirmation na hinihintay ko?

Get Tobabi’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Tita Aya : Mia, Nakita mo na Mia? ( Tinutukoy nya ang larawan ni Mama )

Ako : Oo. ( Pinipilit maging matatag )

Tita Aya : Uggghhhhh ( humagulhol na sya ng malakas )

Ako : Gaga! Wag kang iiyak. ( Sabi ko habang nagpipigil sa sarili )

Tita Aya : Anong gagawin ko? Umuwi ka. Magkita tayo sa bahay. ( Tinutukoy nya ang bahay ng Nanay at Tatay ko. Ang mga magulang ni Mama. )

Ako : Oo. Papahatid ako sa bahay. ( at pinatay ko na ang tawag )

…Humagulhol ako ng iyak, nanginginig ang kmag kamay at daliri ko. Di ko mapindot ng wasto ang screen ng phone ko. Umiiyak ako na para bang sasabog ang puso ko. Tinatawagan ko ang nobyo para ihatid ako sa bahay ng grandparents ko. Di ko na halos makita ang screen ng phone puro luha nalang lumalabas. Nanghihina ang aking mga tuhod, napayakap ako sa kama para hindi matumba. Ako lang mag isa dito sa bahay. Walang nakakarinig ng aking paghagulhol na iyak. Hindi ito iyak ng na brokenheated sa ex. Ganito pala kasakit ang mamatayan ng Ina.

11:00AM na same day, dumating na ang partner ko para sunduin ako at ihatad kina Nanay at Tatay. Magang maga ang mata ko. Habang bumabyahe kami kami ay tahimik lang ako sa frontseat ng sasakyan. Pinipigilan ko ang aking sariling umiyak, hinawakan nya lang kamay ko habang nagmamaniho sya. Alam nya. Alam nya na pinipilit kong maging matatag. Mga 20 mins pa at dumating na kami sa labas ng bahay ng grandparents ko. Sa labas pa lang, kita ko na kung sino ang nasa terrace. Si Tatay na nasa duyan, tahimik lang at malayo ang tingin. Si Tita Aya na nakaupo sa gilid ng duyan sa may mahabang upoan. Sa mismong bukana ng terrace ay ang dalawang kapatid na lalaki ni Mama at ang mga asawa nito.

Naglalakad ako mula sa binabaan ko ng sasakyan, mabbigat ang akin hakbang patungo sa terrace. Kita ko, kita ko ang pag lingon nila at tahimik na tingin. Pumasok ako sa terrace, di ko na pinansin ang mga Tiyo ko at si Tita Aya. Tahimik ang paligid at ang lahat. Lumapit ako at nagmano kay Tatay at biglang sa may pintuan papasok ng bahay ay nakita ko Nanay na nakatayo. Tatlo. Oo tatlong hakbang lamang ang pagitang naming dalawa. HUmabkbang ako papalapit kay Nanay, nag bigay ng mano at halik sa pisngi. ( Tulad ng nakasanayang pagbati namin sa kanya ). Pinisl ni Nanay ang aking kamay, di nya ito binitawan sa ,ula sa aking pag mano sa kanya, sabay niyakan nya ako nga sobrang higpit habang umiiyak sya. Nanlumo ako at isinandal sa balikat ng Nanay ang aking mukha. Mahigpit na yakap ang aking naramdaman, humahagulhol ako sabay sambit “Mama”. Paulit ulit ko itong binibigkas. “Wala na tayong magagawa, kailangan na tanggapin nalang natin ito”. Sabi sa akin ng Nanay at alam ko na salita lamang iyon para ako ay kumalma. Alam kong higit na masakit ito kay Nanay dahil si Mama ang kanyang panganay, ang una nyang anak, ang una nya sa lahat nga simula sa pag aalaga at pagmamahal ng anak. Si Mama na ngayon ay isa na sa pinakamasakit na heartbreak ni Nanay at Tatay. Walang ibang salitang lumalabas sa bibig ko kundi ito lamang “Mama” na tila ba ang bigat bigat nyang bigkasin at pakawalan mula sa aking bibig.Hinayaan ako ng lahat ng tao sa bahay ng mga oras na iyon…..Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na ako ng bahagya. Tumahan ako, lumabas ng pinto at nakita kong namamaga ang mga mata ni Tita Aya at ng partner ko.

Tita Aya : Naiyak tuloy ulit ako, nandadamay ka. (Pabirong sabi nito sa akin).

Ngumiti lang ako at sumagot ng “ ehhhh gaya-gaya ka kasi”. Pabiro lang para piliting matatag ang nararamdaman pamilya.

1:00PM same day…

Dumating si Mika may dalang ulam kasama ang asawa nito. Pabiro kong sabi “Wala tayong ganang kumain, pero kakain tayo para may lakas tayo ngayong hapon”. Tutungo na kami sa morgue para asikasuhin at sunduin si Mama para makauwi na sya.

--

--

Tobabi
Tobabi

Written by Tobabi

0 followers

Hello...