Ang Sining ng Pag-Iwas: Kapag ang Kaagaw sa Pag-ibig ay iyo nang Sarili
Lahat tayo ay pinalaki sa mga kuwentong naghahanap ng “spark” iyong mahiwagang kislap na nagpapabago sa mundo. Ngunit para sa ilan, ang buhay ay hindi isang paghahanap ng kapareha, kundi isang walang katapusang karera ng pagtakbo palayo sa pag-ibig dahil sa labis na pagpapahalaga sa sarili.
Get zly.feels’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
Hindi naman sa hindi mo kayang magmahal; ang katunayan, kitang-kita ang kapasidad mong magmahal sa kung paano mo kaingat na pinoprotektahan ang iyong sariling emosyon at kapayapaan. Kaya naman anuman ang kasarian o bilang ng mga taong kumatok sa puso mo, nananatili kang walang pakiramdam dahil bago pa sila makapasok, nauna mo nang ipagtanggol ang iyong sarili. Ang problema sa ganitong labis na pagmamahal sa sarili ay ang takot sa pagkakamali na sa isang maliit na mintis o hindi pagkakaunawaan ng iba, sa halip na makipag-usap, pipiliin mo agad ang umiwas at tumalikod upang panatilihing ligtas ang iyong mundo.
Ang pagtakbo mula sa pag-ibig ay isang defense mechanism upang hindi mawala ang kontrol sa iyong buhay, dahil ang pagbubukas sa iba ay nangangailangan ng lakas ng loob na maging marupok at masaktan. Ligtas ang mahalin lang ang sarili dahil ikaw ang may hawak ng puso mo, ngunit sa bawat pag-iwas mo, may tanong na laging naiiwan hanggang kailan mo kayang maging sapat sa loob ng silid na sarili mo lang ang naririnig? Ang tunay na hamon ay ang pagtanggap na ang pag-ibig ay may kasamang pagkakamali, at ang tanging tanong na lang sa harap ng salamin ay kung napapagod ka na ba sa pagtakbo.






